Chapter 49:Kabaklaan
MATAMAN na tinitigan ni Khalid ang lalaking kaharap ngayon. Tulad ng una nilang pagharap, nakasuot na naman ito ng cap. Mukhang bagong gupit ito, napatingin siya sa hila-hila nitong bag. "Is it that heavy?" naitanong niya nang tila hirap ito sa paghila. Gusto niyang idugtong kung bakla ba ito dahil kulay pink ang bag, plus ang laki pa na madalas ganoong size ang gamit ng kababaihan dahil marami ang mga itong abobot sa katawan.
Tumikhim muna siya bago sumagot, "a little bit, Sir!" may kasama pang hingal na sagot niya dito.
Sa totoo lang ay mabigat ang dala niya kahit de gulong iyon. Halos hirap din siyang huminga dahil napahigpit ang pagkabuhol ng de taling tela, na inilagay sa kanyang dibdib upang magmukhang abs sa halip na chocolates hills. Ngayon siya nagpasalamat na hindi siya biniyayaan ng malaking dibdib dahil kung nagkataon, baka breast cancer ang aabutin niya dahil kailangang ipitin.
"Hey, waz up?" Nakangiti na sinalubong siya ni troy nang makapasok na siya sa loob. "Welcome back and feel at home!"
"Thank you, Sir!" kimi niyang sagot na pinatili ang malaking boses.
"Just call me, Troy."
"My name is Xander, no need formality."
Napatitig si Gerlie kay Xander, naiilang siya dito dahil napakaseryoso ng aura ng mukha nito. Pero ngayon ay mukhang mas dapat na mailang siya kay Khalid na hayagan ang pagka disgusto sa mukha niya. Alam niya na bakla ang tingin na ng mga ito sa kanya ngayon na siya namang plano niya. Ang hirap kasi magpanggap na barakong lalaki lalo na at ang boses niya ay boses bakla.
"You can stay here with us, but if you're not comfortable, we can get another room for you in this building as temporary residence?" tanong ni Troy sa lalaki na halatang hindi komportable sa harap ng dalawa niyang kaibigan. Muli siyang tumikhim upang alisin ang bara sa lalamunan dahil nanunuyot na yata. "No need, Sir! Thank you but I have to stay here. I can sleep in this couch. Tinapik niya ang mahabang sofa kung saan siya naka upo ngayon. "Put your things beside, after two days we'll go travel to Hong Kong." Bilin ni Khalid Kay Gerlie bago tumalikod.
"Mark told me to treat you like a woman because you're gay?" may pag-aalinlangan na tanong ni Troy sa kanilang tutor.
Napangibit ang bibig ni Gerlie sa tanong ng binata. Iba pa rin pala kapag narinig na mismo sa bibig ng mga ito kung ano ang tingin talaga ng mga ito sa kanya. "Nakaka bakla ka ha!" naibulong niya nang hindi sinasadya. "What did you say?" tila nabinging tanong ni Troy sa kaharap.
"I said yes, Sir." Kiming sagot ni Gerlie na pinalambot pa ang boses.
Napangiti si Troy sa kaharap. Kung naging tunay na babae lang ito ay tiyak niyang napakaganda nito. "Just call me, Troy." Pagtatama niya dito.
"If that's what you want, si-Troy." Nahihiya pa rin siyang tawagin ito sa pangalan lamang.
"Bakla nga siya?" tanong ni Khalid kay Troy sa salitang Chinese upang hindi sila maintindihan ng lalaking pinoy.noveldrama
"Yup, huwag mo na sungitan dahil ibinilin siya sa akin ni Mark." Sagot ni Troy, gamit ang kanilang lenguwahe.
"Ako pa yata ang pinagchi-chismisan ng mga ito." Patay-malisyang tumingin si Gerlie sa paligid at kinakausap ang sarili.
"You can use one bathroom and change your cloth there." Turo ni Xander kay Gerlie sa isang palikuran. Dalawa ang bathroom doon at tatlong silid.
"Thank you," aniya at mabilis na tumalikod. Kanina pa siya naiihi, akala niya ay maging madali sa kanya ang trabahong pinasok. Naisip niya na ito na yata ang pinakamahirap na trabhong pinasok. Bukod sa nosebleed na siya, kailangan pa niyang baguhin ang boses na parang bakla. Pati ang paglalakad ay kailangan niya rin baguhin maging ang kanyang kilos.
"Tatlong buwan lang, kaya ko ito!" kausap niya sa kanyang sarili sa harap ng salamin. Tatlong buwan lamang ang visa niya sa Hong Kong. Ang sabi ni Mark ay maari siyang maghanap ng trabaho doon kung gusto niya bago ma expired ang kanyang visa. Natigil siya sa pagmumuni-muni nang may kumatok sa pintuan.
"Do you need more time to stay inside?" tanong agad ng binata na salubong na ang kilay.
"Sorry!" Nakayuko ang ulo na sagot niya kay Khalid at nilakihan ang awang ng pintuan. Gagamit din umano ito ng bathroom dahil gamit ni Troy ang isa. Hindi niya namalayan na mahigit tatlumpong minuto na pala siya sa loob ng palikuran. Oras na ng tulugan kung kaya nagbihis pajama na siya.
"Did you shave your eyebrows?" Hindi nakatiis na tanong ni Khalid sa kaharap. Hindi niya gusto ang mukha nito ngayon dahil mas nagmukhang babae nang wala na ang pintura sa mukha nito. Kung hindi lang flat ang dibdib nito at gupit lalaki ay iisipin niyang babae talaga ito.
Mabilis na kinapa ni Gerlie ang kilay, "patay!" naibulong niya sa kanyang sarili. Nakalimutan niyang kapalan ang manipis niyang kilay.
"Next time, don't shave it, I know that you're a gay but I hate seeing your face as a woman." Aroganting turan ni Khaled dito. Hindi sa galit siya sa babae o ayaw sa babae na hindi mangyayari ang ganoon, pero ayaw niya makita ito bilang babae ang mukha. Mahirap na lalo na at taglay ng mukha nito ngayon ang tila inosinte kapag bumuka ang labi ngunit palaban kung makatingin. Ayaw niyang mahumaling sa mukha ng bakla.
"Ok, Sir." Mahinang tugon niya sa binata, ngunit sa kaloob-looban niya ay gusto niyang isampal sa mukha nito ang maliit niyang dibdib. Kung maka bakla ay wagas at may pa-hate pang nalalaman.
"What is gay in your language?" tila nang-aasar pa na tanong ni Khalid dito habang hawak ang hamba ng pintuan.
"Bakla, Sir!
"Ok, goodnight, Bakla!" Nakangisi na wika ni Khalid bago isinara ang pintuan.
Nakabuka ang bibig na napatanga si Gerlie sa harap ng sumarang pinto. Gusto niyang matawa nang tawagin siyang bakla ng binata. Pero agad ding napalitan ng inis sa isiping bakla talaga ang tingin nito sa kanya.
"Ano ba ang inaasahan mo na maging tingin niya sa iyo?" sundot ng kanyang kunsensya sa kanyang isip.
"Are you ok, George?" tanong ni Troy sa lalaki nang mapansin ang pagsimangot nito habang palapit sa kanilang kinaupuan.
Lumingon si Gerlie sa kanyang likuran, awang ang labi na muling humarap sa dalawang binata. Amusement was written all over their face while looking at her.
"Are you lookong for someone or something?" tanong muli ni Troy, dito.
"Ay, ako pala ang kausap!" Naibulalas ni Gerlie nang maalala na George ang kanyang pangalan ngayon.
Lalo lamang napatitig si Xander sa kaharap nang magsalita ito gamit ang salitang nais nila matutunan. Ang laki ng pinagbago ng mukha nito nang makapaghilamos. Kahit hindi niya naintindihan ang sinambit nito, alam niyang nalito ito base sa expression ng mukha nito ngayon. Napatitig siya sa labi nito na bahagyang nakaawang.
Agad naman naitikom ni Gerlie ang labi nang mapansin ang kaibang tingin ng isang binata. Mabilis siyang umupo sa tabi ni Troy. Dito siya didikit dahil ramdam niya na safe ang kabaklaan niya kay Troy.
"Relax, we're all gentlemen here and there's no woman also." Biro ni Troy sa lalaki at tinapik sa balikat. Napailing siya nang bahagyang nabuway ito sa pagkakaupo dahil sa kanyang ginawa.
Tumawa ng bahaw ang dalaga, "yes, no woman here!" May kasama pang tango na sang-ayon niya sa biro ni Troy.
"Bakla, set beside me." Tawag ni Khalid dito nang makaupo na sa kabilang sofa.
"Bakla?" magkapanabay na tanong nila Troy at Xander sa kaibigan.
"It's my pet name for him," ani nito at nakangiti pa ng nakakaloko.
"Manyak na ito, mukhang baklang tuta pa yata ang tingin sa akin!" Nagngi-ngitngit sa inis ang kalooban na bulong niya sa kanyang sarili.
"Thank you, sir, but I feel comfortable sitting here." Maarte niyang sagot dito at iniakbay ang kanang braso kay Troy.
"Get off your hands on him!" nabiglang turan ni Khalid nang makita ang closeness ng dalawa.
"Are you gay also, Sir?" Nanlaki ang mga mata na tanong ni Gerlie sa binata.
"How dare you to ask me that!" Bahagyang tumaas ang timbre ng boses ni Khalid at pinandilatan ng singkit na mata ang bakla.
Pigil ang tawa ng dalawa pang binata na nakikinig lang sa pag-uusap ng dalawa.
"Sorry, Sir!" bawi agad ni Gerlie, mahirap na at baka masisanti agad siya na hindi pa nakatuntong sa Hong Kong "You look jealous kasi." Dugtong pa niya.
"Don't mix the language!" iritado na ang tono ng paninita ni Khalid.
"Ok!" tikom ang bibig na sagot niya dito. Pigil ang sarili na magsalita pa ng mahaba dahil inaatake na naman siya ng pagiging slow at kadaldalan dahil sa kasungitan ng binata.
"Kanino ka nga ba nagseselos, Dude?" intrigerong tanong ni Troy sa kaibigan upang asarin ito. Kanina pa niya gustong tumawa sa inaasta ni Khalid.
"Shut up, Dude!" sikmat ni Khalid sa kaibigan at sinamaan ito ng tingin.
Tumayo si Xander at hindi na nakisali sa gulo ng dalawa. Nagpaalam na itong maunang matulog. Maging kay George ay nagpaalam siya at natuwa na rin siya sa bakla.
"Goodnight!" kinikilig na tugon ni Gerlie kay Xander dahil ngumiti ito sa kaniya. Ayos lang sa kaniya kahit hindi naiintindihan ang dalawa pang nagsasagutan sa kaniyang harapan. Ang mahalaga ay bumait na rin sa kaniya si Xander. Nagkaroon ng tunog ang tawa ni Troy nang makita ang pagkunot ng noo ni Khalid habang nakatitig sa bakla nilang tutor.