Chapter 44:Magandang balita
GUSTONG suntukin ni John Carl si Zoe kung hindi lang ito nakaratay sa hospital bed katulad ng kanyang kapatid ngayon. Nalaman niya na nakita ni Jhaina nang halikan ng babae ito.
"Tama na iyan, John, baka manariwa na naman ang kanyang sugat." Awat ni Mark sa pinsan nang kwelyuhan nito ang kanyang kaibigan dahil sa galit.
Hindi pa nila alam hanggang ngayon kung bakit hinimatay ang dalaga. Naroon sila sa silid ni Zoe na kanina pa nakikiusap sa kanila na dalhin siya sa silid ni Jhaina.
"Gago kasi siya Kuya Mark, bakit kailangan pa niya magpahalik sa ex niya?" Kuyom ang kamao ni John, nagagalit siya ngayon kay Zoe at gusto niya talaga makasuntok ng isa para sa kanyang kapatid.
"Please dalhin niyo na ako sa kanyang silid!" Nakikiusap muli na ani Zoe sa magpinsan. Walang ibang mahalaga sa kaniya ngayon kundi ang makita ang dalaga.
Napaubo na si Zoe dahil sa pagpupumilit na makabangon mag-isa. Si John Carl ay galit na tumalikod at iniwan ang nagmamakaawa na kaibigan. Naaawa na tinulongan ito ni Mark kasama ang isang nurse na maiupo ito sa wheelchair. Tulak niya ito at hawak naman ng nurse ang dextrose na nakabit sa kaibigan.
Umiiyak ang ina ni Jhaina nang maabutan nila ang anak na nakahiga sa hospital bed. Parang may phobia na ang ginang na makita ang anak sa silid na iyon.
"Doc, ano po ang nangyari sa anak namin?" kinakabahan na tanong ni Lucy sa manggagamot. Sobra siyang nababahala dahil hindi pa rin nagigising ang kanilang anak. "Congratulations dahil maging Lolo at Lola na kayo. Kailangan niya ang dobleng pag-iingat at gabay ninyo upang agad silang lumakas." Nakangiting sagot ng manggagamot.
Agad na inalalayan ni David ang asawa na makaupo nang gumiwang ito sa pagkatayo. Hindi niya alam kung ano ang dapat na mararamdaman ng mga oras na iyon. Alam niya na hindi imposibleng mangyari ito sa kanilang anak pero nabigla pa rin siya. Ang bata pa nito at hindi pa tapos sa pag-aaral.
"Bakit ba hindi ko napansin ang pagbabago ng kanyang katawan? Muntik ng mawala ang apo natin dahil sa mga pangyayari." Umiiyak na wika Lucy at yumakap sa asawa. Tanggap naman niya na buntis ito at sigurado naman na si Zoe ang ama. Pero dahil sa kaalaman na kamuntik na itong makunan dahil walang pahinga at kulang sa tulog ay nabahala si Lucy.
Mula sa bukana ng pinto ay napaawang ang mga labi ni Zoe nang marinig ang sinabi ng ina ng dalaga. "Apo?"
Galit na bumaling ang tingin ni David sa lalaking nakaupo sa wheelchair. Alam na rin niya ang lahat ng dahilan kung bakit hinimatay ang kanilang unica hija. Kung hindi lang dahil may iniinda pa itong sakit ay tiyak nabigyan na niya ito ng maraming suntok sa mukha.
"Kailangan mo nang magpagaling na lalaki ka bago pa tuloyang lumaki ang tiyan ng Unica Hija, namin!" Duro ni David sa binata.
Napamulagat si Zoe na tumingin sa ama ni Jhaina. "Bu-buntis po siya?" Nabulol pa siya dahil sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Kaba dahil baka namali lamang siya ng pandinig.
Kanina pa siya natatakot na baka ilayo na ng mga ito sa kaniya ang dalaga dahil sa nangyari. Pero ngayon, unti-unting napalitan ng sobrang saya ang kabang nadarama nang makumpirmang tama ang kaniyang narinig. Ibig lang sabihin ay hindi na makakawala sa kanya ang babae dahil buntis na ito at hundred percent sure na siya ang ama.
"Three months and one week!" angil ni David sa binata.
Lalong lumawak ang ngiting nakapaskil sa labi ni Zoe. Mukha siyang tumama sa lotto at hindi matawaran saya na nadarama nang mga sandaling iyon. Ang ibig sabihin, sa unang pagsasama pa lang nila noon ng babae ay nakabuo na agad sila. "Baka mapunit na iyang bibig mo, dude sa kakangiti." Nakangisi na pinuna ni Mark ang kaibigan. Mukha itong nahipan ng hangin at hindi na napalis ang ngiti habang nakatingin sa kanyang pinsan.
"Alalahanin mo, may kasalanan ka sa kanya." Dugtong pa na paalala ni Mark.
Agad na nabura ang ngiti sa labi ni Zoe sa pagkaalala sa nangyari kanina. "Dude, tulongan mo naman ako magpaliwanag sa kanya. Alam mo naman kung gaano kabrutal ang pinsan mo kapag galit. Baka lalo akong hindi makatayo dito kung magkataon." Kabado na humarap siya sa kaibigan.
Napailing na lamang si David sa inaasta ng maging mabugang. Nabawasan na ang galit niya para dito nang marinig ang paliwanag mula kay Mark. Iniwan na muna nila ito at lumabas silang mag-asawa. "Nasa likod mo lang ako, dude, handang tumulak sa upoang de gulong mo kung kinakailangan." Tumatawa na biro ni Mark sa kaibigan.
"Nice joke!" pumapalatak na ani ni Zoe at hindi natuwa sa biro ni Mark.
Lalo lamang natawa si Mark sa kaibigan. Mukhang nabakla ito bigla at takot sa maton niyang pinsan. "Maiwan na kita dito at goouck!" Itinulak pa niya ang kinaupuan nito palapit sa kama bago umalis.
Hindi na umalis sa tabi ng dalaga si Zoe. Tulog pa rin ito dahil wala itong maayos na tulog at kain noong hindi pa siya nagigising. Ang kanilang mga magulang ay masaya na nag-uusap tungkol sa kasal kahit na hindi pa alam ang maging pasya ng dalaga.
Naalimpungatan si Jhaina nang maramdaman na may taong mataman na nagmamasid sa kanya. Dahan-dahang iminulat niya ang mga mata at tumingin sa nagbabantay sa kaniya. "Kuya?" Dismiyado niyang wika nang mamulatan ang kapatid.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?"noveldrama
"Ok lang, bakit ako narito?" Napasapo siya sa kanyang ulo nang makaramdam ng hilo.
"Hinimatay ka nang makita mong nakipaghalikan ang magaling mong Baby." Sarkastiko nitong tugon sa kapatid.
Napasimangot si Jhaina sa tinuran ng kapatid. Nang-aasar pa itong ngumiti sa kanya sa halip na damayan siya at maawa.
"Hindi mo ba alamin kung kumusta na siya?" Nakataas ang kilat na tanong niya sa kapatid.
"Para saan pa? Tiyak na hindi pa iyon nagsawa sa pakipaglaplapan sa babae niya." Nakalabi na tugon nito sa kapatid. Muling nabuhay ang galit at sakit na naramdaman kanina. "Tama lang pala na sinuntok ko siya sa nguso." Proud pa na ani ni John Carl habang nagbabalat ng mansanas.
Napabangon bigla si Jhaina sa kinahigaan pagkarinig sa sinabi ng kapatid. Kahit galit siya sa binata, ayaw niya na saktan ito lalo na at hindi pa ito magaling. "Ano ang ginawa mo?!" Nakamulagat ang mga mata sa kapatid at nainis dito. "Sinuntok ko nang sinabi niya na hinayaan niya si Trexi na halikan siya. Ang gago ay gusto lang daw masiguro sa sarili na wala na nga talaga siyang nararamdaman para sa babae kahit lust kaya inutusan na halikan siya." Sagot niya habang patuloy sa pagtatalop ng ptutas.
"Nasisiraan ka na ba ng bait, Kuya? Alam mong hindi pa siya magaling, bakit mo ginawa iyon? Paano na lang kung naalog na naman ang ulo niya at muling makatulog? Baka hindi na niya ako makilala at—"
"Kainin mo muna ito," putol ni John sa mahabang walang katapusang litanya ng kapatid. Inabot niya dito ang binalatan na-apple at napangisi dahil nakikita niyang galit ito sa kaniya. Kanina lamang ay sobra galit ito kay Zoe, ngayon ay nabaling na sa kaniya.
"Ayaw ko, kausapin mo ako ng maayos!" Tinabig niya ang kamay ng kapatid na may hawak na prutas.
"Sinaktan ka niya kaya tama lang ang ginawa ko. Hindi naman iyon mamatay sa isang suntok ko lalo na at kinabitan agad siya ng oxygen dahil nahirapan huminga." Pabaliwalang sagot niya sa kapatid. Ang totoo ay napilitan na bumalik si Zoe sa silid nito kanina dahil sa kaniyang sinabi.
Asar na naibato niya ang unan sa mukha ng kapatid. Tuloyan nang nakalimutan ang galit para kay Zoe at napalitan ng takot. Mabilis siyang bumaba ng kama at parang may pakpak ang mga paa na tumakbo siya palabas ng silid upang mapuntahan ang binata. Hindi na niya pinatapos sa pagsalita ang kapatid.
"Be careful, hija, don't run!" Nagulat pa ang ina ni Zoe pagpasok ng dalaga at patakbong lumapit kay Zoe.
"How is he?" Naiiyak na tanong niya sa ginang. Naka oxygen nga ulit ang binata at may pasa sa mukha malapit sa ilong nito.
"He's okay, don't worry too much."
Napaiyak na lamang si Jhaina na hinawakan ang kamay ng lalaki. Ewan ba niya pero napakaiyakin na niya ngayon dahil sa lalaking ito.
"Baby, wake up," marahan niyang hinaplos ang mukha nito na may pasa.
Nakangiti na minulat ni Zoe ang kanyang mga mata nang marinig ang tawag sa kanya ng dalaga. Mukhang dapat pa siya magpasalamat ngayon sa suntok ng maging bayaw niya. Inalis na niya ang oxygen na nakakabit sa kaniyang ilong dahil hindi naman taga kailangan iyon. Si John Carl lang talaga ang may pakana niyon matapos siyang masuntok nito kanina.
"Please, let me explain?" agad niyang pakiusap nang magsalubong ang paningin nila ng dalaga.
Nakahinga ng maluwag si Jhaina ng magsalita ang binata. "No need, sinabi na sa akin ni Kuya ang dahilan. Huwag mo na lang ulitin iyon at ayaw kong makipag-usap ka pa sa babaeng may gusto sa iyo." "Thank you Baby! Pangako, hindi na ako uulit at iiwasan na ang mga babaeng may gusto sa katawan ko. Basta itutuloy na natin ang kasal bago pa lumaki ang tiyan mo."
"Ha?" Nalilitong tanong ni Jhaina, wala siyang alam sa sinasabi ng binata.
"Magka baby na tayo kaya kailangan na natin madaliin ang ating kasal." Nakangiti na wika ni Zoe.
Parang gusto ulit himatayin ni Jhaina sa narinig. Mabuti na lang at nahawakan siya ng binata sa braso at nahatak palapit sa kama upang maupo sa tabi nito.
"Masama ba ulit ang pakiramdam mo? Tatawag ako ng "
"No," pigil nito sa binata. "Ok lang ako, nabigla lang ako sa sinabi mo." Pilit siyang ngumiti sa binata.
"Hindi ka ba masaya na magkaanak na tayo?" Nabahalang tanong ni Zoe, sa nakikita niyang reaction sa mukha ng dalaga ay mukhang kabaliktaran sa inaasahan niyang maramdaman nito.
"Ano na lang ang sasabihin nila sa akin? Na ang isang tibo ay buntis at hindi pa tapos sa pag-aaral." Hindi na itinago ni Jhaina ang tunay na saloobin sa binata. Napaluha siya at nalilito ang puso't damdamin. "Hey, nabuo siya dahil sa pagmamahalan natin. Wala kang dapat ikahiya dahil kahit bakla ka pa ay pananagutan pa rin kita."
"Niloloko mo naman ako eh!" Nanunulis ang nguso niya dahil sa huling timuran ng binata.
"Halika nga dito," umayos siya ng upo at pagkasandal sa headboard bago iginiya ang ulo ng dalaga pasandal sa kanyang dibdib.
Tikom ang bibig na ngumiti si Jhaina nagpaubaya sa gusto ng binata. Nabawasan ang sangkatutak na alalahanin sa isipin nang masamyo ang panlalaking amoy ng binata. Na relax din ang kaniyang katawan at gumanti dito ng magaaan na yakap.
"I love you, itutuloy mo ang iyong pag-aaral kahit mag-asawa na tayo." Magaan na halik ang iginawad niya sa ulo ng dalaga.
"Ayaw kong magpakasal na malaki ang tiyan." Parang batang nagrereklamo sa binata.
"Kung ano ang gusto mo ay masusunod. Makapaghintay naman ako kung gusto mo na manganak muna bago ganapin ang kasal."
"Thank you, I love you too!" Kumalas siya sa pagkayakap dito at nakangiting humarap sa binata.
"Sa wakas narinig ko rin ang matamis na tatlong kataga. Kahit kunin na ako ni Lord ngayon ay ok lang." Birong totoo ni Zoe, nag-uumapaw sa galak ang nararamdaman ngayon dahil mahal na rin siya ng babaeng mas mahal pa niya keysa sa mga naunang babae na dumaan sa kanyang buhay.
"Papatayin na kaya kita ngayon?" Nakasimangot na turan ni Jhaina at hindi natuwa sa biro ng binata.
"Joke lang, baby, hindi ka na mabiro. Huwag ka nang sumimangot at baka mamana ng anak natin." Pinisil niya ang matangos at makipot na ilong ng dalaga. Ang cute lang nito kapag nagtaray.
"Nagugutom ako," ani Jhaina nang maalala na hindi pa siya nakakain. Napahawak siya sa tiyan na bahagyang nakaumbok na at ngayon lang iyon napagtuuna ng pansin. Ang akala niya noon ay bilbil lamang iyon, kaya pala madalas uminit ang ulo noon lalo na kapag nakikita ang binata o kahit larawan lang nito.
Kahit hirap kumilos ay inabot ni Zoe ang pagkain na nakalagay sa maliit na lamesang malapit sa kanya. Sinubuan niya si Jhaina at siniguro na marami itong makain.
"So wala nang ayawan, tuloy na talaga ang kasalan?" Nakangiti na tanong ni John Carl sa dalawa nang maabutan na nagsusuboan ng pagkain.
Nahihiya na tumango si Jhaina sa kapatid. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang kanyang mga magulang. Sumang-ayon ang mga ito sa gusto niyang gaganapin ang kasal pagkaanak na niya.
Isang linggo pa ang itinigil ni Zoe sa hospital bago pinayagan ng doctor na makauwi. Ayaw niyang pumayag na magkahiwalay pa sila ng tirahan ng dalaga kung kaya doon na siya pinatira sa bahay ng mga ito.